Thank You

Tuesday, February 21, 2012

Someone Asked Me

Ano daw ang feeling ko kasi kaunti na lang ang nagcocomment sa mga posts ko.

Ang sinagot ko ay ayos lang. Kapag chinicheck ko naman ung views eh panalo pa din! Kaya ayos lang. Kebs! Winner ba? Char! Hahaha.

Siguro kung may nagtanong sa akin nyan nung nagsisimula pa lang ako ay malulungkot ako. Adik ako sa comments. Dati every hour chinicheck ko kung may nag-leave na ng comment. As in every hour! Kahit nasa work nagchechek ako! Super kebs kung mahuli. Hehe. Pero ngayon, bonus na lang ang comment for me. Ang habol ko sa blogging ay documentation. Ang gusto ko years from now ay may website ako na pwedeng balikan ang mga nagawa ko. Pwede kong maramdaman ulit ang nararamdaman ko nung araw na sinulat ko ung post. Nung other week lang nag-back read ako at hindi ko maiwasang mapangiti. Halos wala akong emo, ang light at direct to the point lang ng mga kwento. Ang kulit ko lang.

:)

Monday, February 20, 2012

Pop Drop & Roll


"Bring it up for me some more
Tens across the board!!!"

May bago akong fino-follow na series. Bet na bet ko ang So You Think You Can Dance. Ang ganda ng mga leg extensions! Legs everywhere! Haha! My favorite girl is Ryan. Ang girl na yan pati buhok kayang pasabayin sa sayaw! Hanep!

Sunday, February 19, 2012

Ang Daldal Ko Nanaman

Ang dami naming napagusapan ni mahal habang nakatambay sa bahay nila. Kung saan saan nanaman kami napunta. Haha. Meron pa nga kaming segment na nagpakitang gilas sya sa akin. Ang dami nyang bagong dance moves!!! May-shake shake, at may Budoy-inspired pa! Hanep!!! Hehe. Pero ang pinakatumatak talaga sa akin ay ang napagusapan namin nung around 4PM. Alam ung oras? May clock sa tapat naman. Bakit? Hahahaha

Me: Mahal, naubusan na ng tv remake channel 2 noh? Bwahahaha! Tapos na Mula sa Puso, at Mara Clara. Wala na silang maisip. Parang may nasabi si na KrisAquinoSTD Jejeserye ung sa channel 2. hehe
Leomer: Uhmmmm.
Me: Ay hindi mahal. Meron pa palang isa. Yung Pangako Sa'yo.
Leomer: Oo nga noh mahal.
Me: Uso na din ngayon ung movie remakes sa tv. Ung EBOY parang Artificial Intelligence, tapos City of Angels naman ang sa My Beloved. Sana pinoy movies na lang gawin nila. Sana may mag-remake ng Do Re Mi.
Leomer: Gusto ko din yan mahal. La Diva ang gaganap.
Me:
Leomer: hahaha!
Me: Kung sa channel 2 mahal, sana si Sarah, Angeline at uhmmmm. Sino ba... Uhmm... si empress! Bwahahaha!
Leo: Mukhang madungis si Empress mahal. Hindi sya bagay dun.
Me: Ung si Sabel na lang mahal.
Leo: Sino un mahal?
Me: Ung isa pang nagahasa. Hahaha. Si Jessie Mendiola.
Leo: Pwede mahal..
Me: Kung sa channel 7 naman... Si Heart, Lovi at uhmmm. Ay hindi hindi. Si Jennylyn, Yasmine at Katrina! Bet ko yan. Si Katrina ung gaganap na Mikee kasi trying hard na singer. Si Yasmine pa-sweet parang si Donna. Si Jennylyn naman si Regine. Ganda lang!!!

Hindi naman halatang madaldal ako noh? Si mahal hindi man lang maka-comment ng tama. Na-over talk ko nanaman. Hehe. Sorry mahal! Hyper kasi ang isip at puso ko kapag kasama ka eh. eeeeee! :)

Thursday, February 16, 2012

SimSimi

Ang powerful ng app na itoh! Marunong syang mag-english, mag-tagalog, mag-bahasa, at mag-beckynese! Paaaak! Sa sobrang powerful hindi na ako nakapag-second break kanina. Nakipagusap na lang ako sa kanya! Achievement yan for a program, kasi alam niyo naman super lafang ang bet ko gawin every afternoon. :D

Natanggal ang stress ko talaga kanina! Ang poutness ko naging smileness! Winner talaga! Award na award!

Here are some of my screen grabs from our conversation earlier :)

Sinungitan pa ako!!!! Aylavvet!!!




Award!!! Movie buff ang lolah mo!!!
I know I've found my favorite app! Eeeeeeeee!!!!!!!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails